Broken Hearted Hugot


Masakit ang maiwanan nang taong minahal mo, lalo na't ibinigay mo naman lahat ng iyong makakaya. Pero minsan kailangan din nating tanggapin na lahat nagbabago, maaring masaya siya sa'yo noon pero hindi na ngayon. Nadala kasi natin ang ugali natin noong pagkabata, na kapag sawa na sa isang laruan, iiwan nalang o kaya papalitan. Ganun ang buhay, lalo na sa pag-ibig.

Ako man ilang beses naring iniwan. Ganun talaga, may mga taong mahilig mang-iwan, kasi alam nilang hahabolin mo sila. Hahabol ka naman, kasi akala mo wala ng ibang darating at takot kang maiwan.

Kung alam ko lang na hindi na ako makakatagpo ng pag-ibig na gaya ng ibinigay at ipina-kita mo dati, sana inalagaan nalang kita. Hindi na lang sana ako pumayag na mawala ka. Bakit ba kasi hindi kita naipaglaban noon? Malakas naman ako. Bakit bumitaw ka? Dahil ba alam mong ikaw ang kahinaan ko?

Alam kong marami akong pagkakamali. Alam kong hindi ako perpekto. At alam mong hindi ko maibibigay ang lahat. Kaya salamat ha, kasi sa kabila ng lahat mas pinili mong manatili kaysa mang-iwan. Alam mong ikaw lang ang gusto kong makasama, kaya sana hindi ka kagaya ng jeep, na mang-iiwan kapag puno na.

Hindi natin hawak ang takbo ng panahon maging ang ikot ng oras. Kapag naghiwalay tayo, sana mapahalagahan mo ang mga alaala ko, kasi mahalaga ka sa'kin. Walang katumbas na halaga ang halaga mo.

Hindi naman kita hiningi. Kaya lang ang tanga ko, hindi ko man lang namalayan na ikaw na pala ang ibinigay ng diyos sa'kin. Nakakapang-hinayang, pero sa bandang-huli, diyos narin ang may alam kung kanino talaga tayo mas sasaya.

Kapag malungkot ka at nasasaktan, isipin mo nalang ang mga bagay na nagbigay sa'yo ng saya. Walang gamot na nabibili para sa kalungkutan, kung 'di ang mga ala-alang minsa' y nagdulot sa'tin ng kasiyahan.

No comments:

Post a Comment