Hugot Para sa OFW


Sana kahit malayo ako sa inyo, hindi niyo 'ko malimutan. At  sana maalala n'yo' ko kahit wala kayong kailangan.

Ang hirap malayo sa pamilya, pero walang hirap na hindi kayang tiisin para lang din sa pamilya. Ganito na nga yata ang takbo ng buhay, kailangang may kapalit lahat ng bagay. Kung gusto mong umangat sa buhay, kailangang ibaon ang mga paa sa hukay.
Ang hirap mangibang-bansa. Hindi ka makakakain sa oras, at masaklap pa kung sa masamang tao ka napunta. Wala kang maaring hingan ng tulong maging kapwa mo pinoy dahil minsan kababayan mo pa mismo ang tatraydor sa'yo.

Akala nila pag nag-abroad ka yayaman kana ay marami kang pera. Hindi nila alam kung ilang kain ang nilipasan mo makapag-padala lang ng pera.

Ang pag-aabroad ay isang sugal, paswertehan lang. 

Kung napunta ka sa mabait na amo, swerte. Walang tiyak sa mundo, lalo na sa banyagang tao. Dasal lang ang tanging armas para kahit paano makaligtas ka sa kalupitang di mo ninais. Kung mapugutan ka man ng ulo, o magahasa o kaya paglupitan, wala eh, kailangan nating tanggaping may  mga tao talagang higit pa sa demonyo ang kasamaan, at dahil hindi ka nila kauri, diyos sila kaya akala nila may karapatan silang gawin ang lahat sa'yo. Wala silang pakialam sa buhay mo, at wala silang pakialam kung bakit ka nangibang-bansa. Minsan kailangan nating tanggapin na hindi pantay ang mundo. Kailangang tanggapin na hindi lahat ng tao pantay-pantay.

Sana ayos ka lang sa kinalalagyan mo kaibigan, sana kaya mo pang tiisin ang hirap hanggang sa matapos ang kontratang iyong pinirmahan. Wag mong pabayaan ang 'yong sarili, dahil sarili mo lang talaga ang makakatulong sa' yo. Wag kang aasa sa ibang tao maging kababayan mo man, dahil bihira ka lang makakita ng tunay na tao sa ibayo. Kung sa Pilipinas nga nagagawa pa tayong lukuhin ng kapwa natin pinoy, sa ibang bansa pa kaya. Kumapit at sumandal ka lang sa kanya na nasa taas, siya lang ang may alam ng lahat at siya lang ang maaawa sa'yo.

Kumain ka, kahit gaano kasagwa ang pinapakain nila sa'yo, tiisin mo. Katawan mo lang ang tanging puhunan mo kaya wag mong pabayaan ang 'yong kalusugan. Kung may pagkakataon ka mang makapag-relax o mamasyal, mabuti. Wag puro pamilya ang isipin mo, tandaan mong ikaw ang nasa malayo kaya dapat unahin mong isipin ang sarili mo.

Wag masyadong mag-isip ng problema na binibigay ng pamilya. Baka masiraan ka ng bait dahil hindi mo na makayanan ang lungkot at dinadagdagan pa ng labis na pag-iisip. Gaya ng sabi ko, magtrabaho ka at wag pabayaan ang sarili, para maka-uwi ka ng maayos at matino.

4 comments:

  1. Okay yan pre mabuti naman na positive kang mag isip!

    ~Paul

    ReplyDelete
  2. Wow may comment na'ko sa wakas.. Thank you sir.

    ReplyDelete
  3. Na view ko n rin blog mo sir.

    ReplyDelete
  4. hindi nmn kailangang mag abroad para kumita, marami pa rin opportunity sa pinas. tyaga lang at matutong mag invest.

    ReplyDelete