Minsan kailangan nating tanggapin ang masakit na katotohanang ang mga taong labis na'ting minamahal ay nagsasawa, nagbabago at higit sa lahat nawawalan ng pagmamahal sa atin.
Kapag nangyari yun, magpatuloy nalang tayo sa buhay, may mga bagay talagang sadyang hindi nagtatatagal gaya ng pagmamahal.
Tamang Hugot
A Collection of Tagalog Hugot Quotes, Patama and Short Stories
Ang Dating Pag-ibig - tula para sa'yo
Aaminin kong tumatanda na nga ako, tumatanda na tayo. Akalain mo, noong mga panahong dalaga't binata pa tayo, pinangako natin sa isa't-isa na hindi tayo maghihiwalay.
Nakakatawa lang isiping ikaw yung tamang taong pinangakuan ko noon sa maling panahon.
Ang tagal na nun, mga pangakong maibabaon din sa limot. Sa magkaharap pa nating mga labi pinagdugtong ang mga salitang akala natin hindi maglalaho.
Yung magkadikit pa ang ating mga puso, habang binabanggit ang mga matatamis na pangako.
Ang daya kase eh, yung pilit nating pinatatatag ang isa't-isa at pinapalago ang relasyong umusbong na, nagsasawa rin pala.
Ako man o ikaw ang nagsawa, hindi na mahalaga, ang mahalaga lang naman ay napanghawakan ko hanggang sa ngayon ang mga pinangako ko sa iyo noon.
Masaya ako para sa'yo. Masaya ako dahil tinupad nya ang mga bagay na minsan pinangarap ko para sa iyo noon.
Masaya lang ako, kahit pilit kong pinapahid ang mga butil ng mga luhang dumadaloy sa aking mga mata.
Hindi ako umiiyak ngayon dahil mahal parin kita, kundi dahil totoong masaya lang ako talaga.
Alam mo, hindi na kita iiyakan, sadyang may tubig lang talaga ang aking mga mata na pandilig sana sa'ting relasyong matagal ng nawala.
Hindi na kita mahal.
Hugot Pamilya
Hindi ibig sabihing nagmula ka sa sirang pamilya, ay sira narin ang buhay na kakagisnan mo. Merong iba kumpleto ang pamilya pero napariwara naman. Ikaw ang may hawak sa buhay mo, nasa kamay mo kung magiging anong uri kang tao, at nasa kamay mo rin kung mababago mo ang pinagmulan mo o ilulugmok mo lang ang sarili mo dahil dito.
#feels
Sa pag-ibig minsan mas madalas pa tayong lumuha kesa tumawa. Nagiging tanga kasi tayo pag nagmahal, yung tipong di na natin alam ang kaibahan ng kaligayahan sa nasasaktan. Kasi siya ang kaligayahang hindi mo kayang mawala, ilang ulit kamang lumuha.
Ipagpatawad Mo
Patawad ha kung hindi ko naibigay ang lahat at kung 'di ko napalitan ang pagbibigay mo ng buo.
Patawad Kung di kita napasaya sa piling ko.
Patawad dahil hindi ko nakulayan ang mundo mo. Walang kulay ang makakapagpinta sa kulay na naibigay mo sa buhay ko noong nakasama kita.
Alam mo, ngayon ko lang nakita ang halaga mo. At sa pagkalayo natin, nakita mo narin na wala akong halaga.
Patawad ha, dahil wala akong kwenta. Kung maibabalik ko lang ang panahon, hindi narin para sa atin, sa alaala nalang talaga kita mapapahalagahan.
Ang sama kong tao, nakasakit ako ng taong ang pakay lang ay mahalin ako..
Sana sa pagdaan ng mga taon maghilom ang mga sugat na idinulot ko. Sorry ha, sana makita mo na ang gamot sa kirot na ako ang may gawa.
Pasensya na talaga, dahil nakilala mo'ko bago pa dumating ang tamang tao para sa'yo. Alam ko kahit nasaktan kita, natuto karing maging matapang, maging manhid at magpahalaga sa tamang tao.
Patawad nalang talaga ang nasasambit kapag ang lahat ay huli na. Wala e, minsan kailangang tanggapin na ang salitang 'patawad' nasasambit nalang kapag huli na ang lahat.
Broken Hearted Hugot
Masakit ang maiwanan nang taong minahal mo, lalo na't ibinigay mo naman lahat ng iyong makakaya. Pero minsan kailangan din nating tanggapin na lahat nagbabago, maaring masaya siya sa'yo noon pero hindi na ngayon. Nadala kasi natin ang ugali natin noong pagkabata, na kapag sawa na sa isang laruan, iiwan nalang o kaya papalitan. Ganun ang buhay, lalo na sa pag-ibig.
Ako man ilang beses naring iniwan. Ganun talaga, may mga taong mahilig mang-iwan, kasi alam nilang hahabolin mo sila. Hahabol ka naman, kasi akala mo wala ng ibang darating at takot kang maiwan.
Kung alam ko lang na hindi na ako makakatagpo ng pag-ibig na gaya ng ibinigay at ipina-kita mo dati, sana inalagaan nalang kita. Hindi na lang sana ako pumayag na mawala ka. Bakit ba kasi hindi kita naipaglaban noon? Malakas naman ako. Bakit bumitaw ka? Dahil ba alam mong ikaw ang kahinaan ko?
Alam kong marami akong pagkakamali. Alam kong hindi ako perpekto. At alam mong hindi ko maibibigay ang lahat. Kaya salamat ha, kasi sa kabila ng lahat mas pinili mong manatili kaysa mang-iwan. Alam mong ikaw lang ang gusto kong makasama, kaya sana hindi ka kagaya ng jeep, na mang-iiwan kapag puno na.
Hindi natin hawak ang takbo ng panahon maging ang ikot ng oras. Kapag naghiwalay tayo, sana mapahalagahan mo ang mga alaala ko, kasi mahalaga ka sa'kin. Walang katumbas na halaga ang halaga mo.
Hindi naman kita hiningi. Kaya lang ang tanga ko, hindi ko man lang namalayan na ikaw na pala ang ibinigay ng diyos sa'kin. Nakakapang-hinayang, pero sa bandang-huli, diyos narin ang may alam kung kanino talaga tayo mas sasaya.
Kapag malungkot ka at nasasaktan, isipin mo nalang ang mga bagay na nagbigay sa'yo ng saya. Walang gamot na nabibili para sa kalungkutan, kung 'di ang mga ala-alang minsa' y nagdulot sa'tin ng kasiyahan.
Depressed Na Ba Ako?
Madalas akong tanungin ng mga kaibigan ko kung bakit ang tahimik ko na raw at hindi na gaanong nagsasalita. Napansin na nilang may pinag-iba sa'kin. Dati kasi kapag kasama ko ang mga kaibigan ko, ako pa ang pasimuno ng kalukuhan na nauuwi sa tawanan ng buong tropa. Dinadaan lang nila sa asar ang napansin nilang pagbabago sa'kin, at sa bandang huli tatanungin din nila ako ng seryuso kung ano ba ang problema o iniisip ko. Kapag nag-umpisa ng ang inuman at may alak na konte ang aking katawan, saka ko lang ulit sila nasasabayan lahat at bumabalik ang dati kong sigla sa pakikipag-kwentuhan na sinasabayan minsan ng tawanan.
Maging sa pamilya mismo napansin nila ang pagtamlay ko, bihira nalang ako makipag-usap sa kanila at madalas nalang akong nagmumukmok. Kapag may nagtatanong o kung may nag-oopen up ng topic, saka lang ako kumikibo pero wala talagang interest makipag-usap. Hindi narin ako masyadong lumalabas ng bahay at gumagala kasama nang mga kaibigan kong nabanggit. Palusot ko lang na wala akong pera pero ang totoo iniisip kong nakakapagod lumabas at mamasyal, mas nasasayahan nalang ako mag-selpon habang nag-iisa. Ewan, dati naman akong sabik mamasyal o kaya manood ng sine o kumain sa labas, pero ngayon parang ang lahat nakakapagod ng gawin.
Hindi naman ako tamad at pumapasok parin sa trabaho. Sa trabaho buhos ang atensyon ko, ayaw kong magkamali kahit konte dahil ayaw kong bumalik sa umpisa o kaya mapagalitan. Kapag sweldo madalas magyaya ang mga katrabaho ko, na madalas ko ring inaayawan sa palusot na may paggagamitan ako ng pera. Ang totoo nakakapagod makisabay sa kanila lalo na't hindi ko naman sila lahat kabisado. Hindi pagod ang katawan ko, sadyang pagod lang ang isip ko. Mas gusto ko pang magkulong sa madilim na kwarto at magbabad sa selpon kakanood ng mga videos o kaya facebook.
Minsan narin bang sumagi sa isip mo ang magpakamatay? Ako madalas. Napupuyat ako sa gabi kakaisip ng mga bagay na malayo sa realidad ng buhay ko. Parang ang pagkitil lang ng sariling buhay ang solusyon sa mga bagay na araw-araw kong hinaharap. Matapos nang malalim na pag-iisip, nakakatulog naman ako at kinabukasan nagigising. Hindi ko na nagagawang magpasalamat man lang kahit konte, bumabangon nalang ako at patuloy sa pagharap sa bagong araw. Hanggang ngayon hindi parin nawala sa isipan ko ang bagay na'yan, naiisip ko parin lalo na kapag may hindi ako napasayang tao o kaya may nadismaya sa'kin o kaya hindi ko naibigay ang mga inaasahan nila o kaya kapag nakatanggap ako ng rejection. Pakiramdam ko napaka-walang kwenta kong tao kapag nareject ako o kaya nabasted.
Paglipas ng mga taon mas lalo akong naging malungkutin, na hindi ko pinapahalata pero halatang-halata na pala. Ewan ko ba, hindi naman sa ayaw ko ng may kasama pero mas gusto kong mag-isa. Mas komportable akong bumyahe mag-isa, maglakad at kumain ng walang kasama, nakasanayan ko ng walang kasabay mamili sa mall o kaya sa palengke, nakasanayan ko ng matulog sa malungkot na apat na sulok nitong aking silid. Malungkot ba ako? Hindi naman siguro. Masaya ako kapag nakahiga at nakakulong na, pakiramdam ko sa kwarto ko lang napapagaan ang aking kalooban.
Nakalimutan ko na ang dating ako, hindi ko na nagagawa ang mga bagay na dati'y kinasasabikan ko. Nauunahan na ng pagod ang isipan kahit kakagising lang ng katawan ko. Ang mga tanong nang mga taong nakapalibot sa'kin hindi ko nasasagot. Hindi ko na sila nakaka-usap nang masinsinan. Wala naman akong problema pero sa paningin nila napaka-lungkot kong tao. Minsan hindi ko na rin maintindihan ang sarili, parang pinipilit ko nalang ang lahat ng bagay maging ang sarili ko, sinasabi ko sa kanila na okay ako kasi yun naman talaga ang pakiramdam ko, pero okay pa ba talaga ako?
Lumipas pa ang ilang taon hinahanap ko na ang isa o dalawa sa mga kaibigan ko para makipag-inuman. Nauubos ang pera ko sa pagbili ng alak gabi-gabi. Pagkatapos ng trabaho ko, wala ng laman ang isip ko kundi uminom hanggang sa malasing. Sinasabayan ko pa ng sigarilyo na ang alak na noon hindi ko ginagawa. Nare-relax ako kapag may alak at nakakatulog kaya hinahanap ng sistema ko. Yung nakita nilang kalungkutan sa'kin dati lumala na, sinabayan ko na ng bisyo. Hindi ko na napapahalagahan ang sarili ko at nawalan nako ng gana sa buhay. Pinapangunahan na'ko ng mga negatibong pag-iisip, wala na'kong tiwala sa sarili ko.
Biruin mo hanggang ngayon di parin nawawala sa isip ko ang ginawa ko noong nakaraang linggo. Pumasok sa isip kong mag-aral at tulungan ang sarili ko sa unti-unting pagkakalugmok. May ino-offer ang TESDA na scholarship kaya nag-exam agad ako. Pero bago paman ako pumunta sa opisina ng TESDA ay nagrarambol na ang isip ko kung tutuloy ba'ko, paano kung hindi ako pumasa o kaya hindi ako tanggapin dahil sa edad ko. Nag-uunahan ang mga negatibo pero sa awa ng konteng pangarap na makapag-aral ulit, nagawa kong dalhin ang sarili ko sa TESDA. Nakapag-exam agad ako at presto! pumasa! Binigyan ako ng papel ni proctor nang malamang pasado ako. Papunta na ako sa second step ng application of scholarship, ang interview. Habang naglalakad binabasa ko naman ang papel na iniabot sa'kin kanina. May nabasa ako doong word na 'capacity to pay'. Pumasok agad sa isip ko na hindi pala libre ang kursong inaplayan ko. Napahinto ako sa paglalakad papunta sa second step at dali-daling tinahak ang daan palabas ng paaralan. Nalaman ko nalang sa text na libre pala lahat ang mga kursong ino-offer nila. Pumasa ako sa exam pero nagmukha akong bobo, 'di ko man lang naisipang magtanong. Ngayon panay panghihinayang ako, kung nagpatuloy sana ako may pag-asa pa sanang matanggap. Ngayon ko lang namalayan na nawalan narin pala ako ng kakayanang mag-isip ng mabuti, kung ano ang tamaan ng mga mata ko yun na ang paniniwalaan ng utak ko.
Ano kayang problema ko? Ngayon masaya ako, maya-maya tahimik na naman at walang imik. Ayaw kong aminin kanino man na nade-depress na'ko. Ayaw kong makarinig ng mga salitang 'nag-iinarte ka lang', 'sa isip mo lang yan', 'walang ganyan, gumising ka!'. Ayaw kong mahusgahan dahil nakilala ako ng mga taong nakapaligid sa'kin bilang matapang, pursigido sa buhay, may pangarap, matalino, masayahin at may konteng talino. Kahit sa sarili ko, ayaw kong amining depressed na'ko. Ayaw kong tanggaping nagbago na' ko at hindi na ako yung dating ako. Hindi naman nawala ang mga katangian ko, nakaligtaan ko lang sigurong ipakita ulit ang mga ito.
Ayaw kong may masisi sa kung ano man ang pinagdaraanan ko ngayon, lungkot man o depression na talaga. Sabi nila kalimutan nalang ang mga lumipas at harapin ang kung anong darating. Pero malabong makalimutan ang mga bagay na lumipas lalo na't nagdulot ang mga ito ng matinding pagkabigo sa buhay. Hindi na mabilang ang mga pagkabigo, pasakit at pagkadismayang naranasan ko.
May isang araw na nagkasabay-sabay ang lahat at sinamahan pa ng maraming problema. Tumigil ako sa pag-aaral dahil hindi ko na nakayanang tustusan ang mga gastusin. Nagmahal ang tuition fee, samantalang kakarampot lang ang sinasahod ko sa patatrabaho noon isang burger station. Kasabay nang paghinto ko, nagkalabuan naman kami ng syota ko dati. Hindi nagtanggal iniwan n'ya rin ako ng walang pasabi. Matinding pagdaramdam ang dinanas ko sa kanya, hindi ko kasi nalaman kung saan ako nagkamali't nagkulang. Nagkalagnat ako ng sobrang taas na umabot sa pagka-hospital ko, napraning kasi ako noon, inaabangan ko ex ko kahit umuulan, sa pagbabaka-sakaling makausap ko man lang siya. Nang makalabas ako ng hospital naging matamlay na'ko, unti-unti ko ng nakalimutan ang pag-ibig, at hanggang sa ngayon hindi ko na alam kung paano pa uli magmahal ng totoo. Marami akong nakikilala na tanggap ako, pero hindi rin nananatili dahil pilit ko namang hinahanapan ng paraan para lumayo. Hindi na ako maaruga, hindi na mapagmahal at hindi ko na alam kung paano magseryuso.
Pero hindi ko naman sinisisi ang lahat sa pinagdadaanan ko, iniisip ko paring malakas ako, na kaya ko paring humarap sa mga tao sa kabila ng mga tinatago kong bigat sa dibdib. Hindi ako yung taong mahilig maglabas ng hinanakit, kahit gaano na kasakit o kabigat sinasarili ko lang. Ayaw kong may makaalam. Ayaw kong may makakita sa'king umiiyak. At ayaw kong makarinig ng salitang 'depressed kana pare'.
Uo, malaking issue ang Depression at marami sa mga tao ang sinasabing dumaranas ng ganitong karamdaman. Pero ayaw kong isali ang sarili ko sa kanila. Ayaw ko dahil hindi naman ako depressed at kinakaya ko pa naman ang buhay. Bakit kaya maraming baliw sa kalsada ang nakangiti? Siguro sa dami ng problema at pasakit na dinanas nila, nakalimutan na nilang sumaya at tuluyan ng iniwan ng kanilang katinuan.
Depressed na nga ba ako? Hindi. Mas gusto ko lang mapag-isa, ilagay ang sarili kung saan ako masaya at ayaw ko lang makisalamuha sa kung sino-sinong tao. Tumatanda na'ko at wala ng karapatang mag-inarte sa buhay.
Hugot Para sa OFW
Sana kahit malayo ako sa inyo, hindi niyo 'ko malimutan. At sana maalala n'yo' ko kahit wala kayong kailangan.
Ang hirap malayo sa pamilya, pero walang hirap na hindi kayang tiisin para lang din sa pamilya. Ganito na nga yata ang takbo ng buhay, kailangang may kapalit lahat ng bagay. Kung gusto mong umangat sa buhay, kailangang ibaon ang mga paa sa hukay.
Ang hirap mangibang-bansa. Hindi ka makakakain sa oras, at masaklap pa kung sa masamang tao ka napunta. Wala kang maaring hingan ng tulong maging kapwa mo pinoy dahil minsan kababayan mo pa mismo ang tatraydor sa'yo.
Akala nila pag nag-abroad ka yayaman kana ay marami kang pera. Hindi nila alam kung ilang kain ang nilipasan mo makapag-padala lang ng pera.
Ang pag-aabroad ay isang sugal, paswertehan lang.
Kung napunta ka sa mabait na amo, swerte. Walang tiyak sa mundo, lalo na sa banyagang tao. Dasal lang ang tanging armas para kahit paano makaligtas ka sa kalupitang di mo ninais. Kung mapugutan ka man ng ulo, o magahasa o kaya paglupitan, wala eh, kailangan nating tanggaping may mga tao talagang higit pa sa demonyo ang kasamaan, at dahil hindi ka nila kauri, diyos sila kaya akala nila may karapatan silang gawin ang lahat sa'yo. Wala silang pakialam sa buhay mo, at wala silang pakialam kung bakit ka nangibang-bansa. Minsan kailangan nating tanggapin na hindi pantay ang mundo. Kailangang tanggapin na hindi lahat ng tao pantay-pantay.
Sana ayos ka lang sa kinalalagyan mo kaibigan, sana kaya mo pang tiisin ang hirap hanggang sa matapos ang kontratang iyong pinirmahan. Wag mong pabayaan ang 'yong sarili, dahil sarili mo lang talaga ang makakatulong sa' yo. Wag kang aasa sa ibang tao maging kababayan mo man, dahil bihira ka lang makakita ng tunay na tao sa ibayo. Kung sa Pilipinas nga nagagawa pa tayong lukuhin ng kapwa natin pinoy, sa ibang bansa pa kaya. Kumapit at sumandal ka lang sa kanya na nasa taas, siya lang ang may alam ng lahat at siya lang ang maaawa sa'yo.
Kumain ka, kahit gaano kasagwa ang pinapakain nila sa'yo, tiisin mo. Katawan mo lang ang tanging puhunan mo kaya wag mong pabayaan ang 'yong kalusugan. Kung may pagkakataon ka mang makapag-relax o mamasyal, mabuti. Wag puro pamilya ang isipin mo, tandaan mong ikaw ang nasa malayo kaya dapat unahin mong isipin ang sarili mo.
Wag masyadong mag-isip ng problema na binibigay ng pamilya. Baka masiraan ka ng bait dahil hindi mo na makayanan ang lungkot at dinadagdagan pa ng labis na pag-iisip. Gaya ng sabi ko, magtrabaho ka at wag pabayaan ang sarili, para maka-uwi ka ng maayos at matino.
Hugot Para Kay Ex
Hello ex, kumusta na? Sana nasa mabuti ka at sana natagpuan mo na ang taong para sa'yo. Sana masaya kana, at sana hindi na s'ya galit sa'kin, dahil minsan kitang hiniram sa kanya noong tayo pang dalawa.
Masaya na'ko ngayon matapos ang lahat nang sakit na naramdaman ko noon, napatawad na kita at sana ganun ka rin sa'kin. Kapag nagkita tayo ulit, kung sasadyain ng tadhana, makaka-ngiti na'ko sa harap mo. Wala na ang dating mukha na luhaan sa tuwing tayo'y nasasaktan.
Nalimutan na kita, pero hindi ka nawala sa'king alaala kahit minsan. Alam mo bang hanggang ngayon nasasariwa ko ang mga alaala mo sa t'wing nadadaan ko ang mga lugar na dati nating tambayan? Ang mga lugar na'yon ang tanging saksi sa pagmamahal ko sa'yo, at sa kanila natin naiwan ang mga alaalang minsan nating pinagsaluhan.
Ikaw kaya? Naaalala mo rin kaya ako? O tuluyan mo ng nakalimutan. Kung alin man sa dalawa, hindi na sa'kin mahalaga. Naging malaya na tayo sa isa't-isa, may pamilya kana at ako nakalimot na. Pero nakalimot na ba talaga ako? Alam ko kung paano tayo nagsimula, pero hindi ko maalala kung paano tayo nagtapos.
Isang araw nakita ko nalang ang sarili kong nakalugmok, luhaan, pagod, at walang katuturan. Yun din ang araw na wala kana, araw na hindi na kita nakita. Pinilit kong hanapin ka, kausapin, tanungin kung bakit, pero wala eh, hindi na kita matagpuan. Naisip kong tumalon nalang dahil iniwan mo'ko sa ere. Di ka man lang nagpa-alam, at yun ang pinaka-masakit sa lahat.
Pero salamat ha, salamat sa sarili ko na kahit sobrang bigat ng nararamdaman ko, may lakas pa'kong harapin ang kinabukasan. Buti nalang may natira pa'kong konteng pagmamahal sa sarili ko. Uo unos ang pagkawala mo sa buhay ko pero sa kabila ng lahat naging malakas parin ako. Salamat sa'yo ex.
Alam mo kahit natapos tayo, hindi kita sinisiraan sa mga kaibigan at pamilya ko, pinagmamalaki kita, at ni minsan hindi ko inamin na ikaw ang nang-iwan. Kapag nagtatanong sila, sinasabi ko nalang na hindi na tayo masaya. Ganun kita nirespeto, at ganoon kita minahal noon.
Ikaw ang kahinaan ko noon, kahinaan na nagbigay ng lakas para harapin ang bukas.
Ikaw ang pinaka-masayang bahagi ng buhay ko at sinabi ko sa'yo yan noon.
Kung nagkulang man ako sa'yo, pasensya na. Akala ko kasi sapat na ang mahalin ka ng buo.
Biruin mo hanggang ngayon nagsusulat pa'rin ako, pero wala ng nagbabasa. Dati'y hindi ko maipinta ang saya sa'yong mukha sa t'wing binibigyan kita ng love letter. Ang saya ko noon kasi alam kong sumasaya ka kahit sobrang baduy nung mga sinusulat ko para sa'yo. Ikaw ang una kong mambabasa, at tagapakinig ng mga kwento kong paulit-paulit lang.
Ikaw ang babaeng higit sa maganda, ang babaeng pumuno sa kakulangan ko, ang babaeng nagturo kung paano magpahalaga sa buhay, kaya kita napahalagahan ng higit pa sa buhay ko.
Sa uulitin salamat sa'yo, wala na'kong hihilingin kung 'di ang kaligayahan mo. Karapat-dapat kang mahalin, at karapat-dapat kang magmahal ng taong magpapasaya sa iyo.
Tagalog Life Quotes Collection
"Bakit ka hindi masaya? Dahil ba malungkot ka at masakit isiping hindi nakakatuwa ang mapagbirong tadhana?"
"Kahit alam kong isang napakalaking joke ang buhay ko, hindi nakakatuwa. Para kang clown na laging nakatawa, pero sa kaloob-looban pinapatay ka na sa sobrang kalungkutan."
"Alam mo kung bakit hindi sumasaya ang buhay ng isang tao? Dahil hindi tayo marunong makontento. Pilit nating hinahangad ang higit sa sapat. At pakiramdam natin palaging merong kulang sa kung anong meron tayo."
"Buo na ang buhay ko. Pero nang dumating ka, nagkakulay ang ngiti ko. Pero umalis ka naman. Ngumingiti parin naman ako, kaya lang halata na ang tamlay. Wala na ang kulay na dati'y ikaw ang nagbibigay."
"Sa isang bahagi ng buhay natin, meron tayong dalawang taong hinding-hindi malilimutan. Ang taong nagbigay sa atin ng labis na saya at ang taong sati'y labis na nagpaluha."
"Sa kwento ng buhay ko, napakasarap balikan ang panahong tayong dalawa lang ang nagpapasaya sa isa't-isa. Pero natapos na, ganun paman masaya akong isa ka sa nagpakulay at nagpasaya sa'kin. Asahan mo laging sa alaala ko ika'y aking dadalhin."
"Alam mo ang buhay ay gaya ng isang bote, itapon mo man, hindi tatanggapin ng basurero. Alam mo kung bakit? Dahil kahit wala kanang laman at patapon na, alam nilang meron kang halaga. Higit sa lahat hindi ka basura."
"Wag nating isipin ang kakulangan natin sa buhay dahil lang sa mga nakita nating kalabisan sa ibang tao."
"Sabi nila libre lang ang ngumiti, pero bakit maraming nakasimangot? Dahil lahat ng bagay merong dahilan. Aminin mo man o hindi, hindi ka makaka-ngiti kung nababalutan ka naman ng problema. Mas masarap ngumiti kapag masaya ka, kapag alam mong walang darating na pasakit pagkatapos ng iyong pagtawa."
"Marami ang malungkot sa buhay, walang nagmamahal, walang kasama at walang kaibigan. Kaya kung merong isang taong nagmamahal sa'yo, ingatan mo at wag mong hayaang mawala, dahil baka balang araw isa ka na rin sa mga taong nakalimutan ng sumaya."
"Kapag iniwanan ka nang taong nangako ng tunay na pag-ibig sa'yo, hayaan mo. Wag kang manghinayang at wag kang maghabol, dahil sa bandang huli siya ang magsasabi ng salitang 'sayang'."
"Nasanay na akong mag-isa, pero hindi ako malungkot. Ayos na yung mag-isa, walang mananakit sa'yo, walang huhusga at wala kang pakikisamahang iba't-ibang ugali."
Mga Hugot Para Kay Tatay
"Mapalad ka kung meron kang kinikilalang ama, dahil yung iba namulat na sa katotohanang meron man silang ama, hindi naman nila kilala."
"Kapag magiging ama kana, magpaka-ama ka para sa anak mo. Dahil balang araw huhusgahan ka nila kung naging mabuti kang tatay o walang kwentang nilalang."
"Hindi naman lahat ng gusto mo mabibigay ng mga magulang mo, kaya maging masaya ka kung ano ang naiaabot nila, dahil hindi mo alam kung ilang sakripisyo ang tinitiis nila maitaguyod ka lang."
"Marami ang batang walang ama, dahil maraming lalaki ang walang kwenta."
"Proud ako sa mga single mother, daig pa nila ang isang ama. Biruin mo sila ang ilaw at haligi ng anak nila."
"Wala naman talagang batayan ang pagiging mabuting ama. Wala nga ba? O wala lang talaga akong makita dahil ni minsan hindi ko naramdaman ang pagkakaroon ng isang ama."
"Pahalagahan mo ang tatay mo nang higit sa pagpapahalaga niya sa'yo. Gawin mo hangga't malakas pa siya at kaya pa niyang damhin ang yung pagpapahalaga."
"Kung isa kang ama at iniwan mo ang yung mag-ina, wag ka ng maglakas loob magpakita sa kanila. Parang awa mo na, isa kang walang kwentang tao at alam mo yun. Wag mong piliting marinig sa anak mo ang salitang naglalarawan sa sarili mo."
"Kapag magiging ama kana, magpaka-ama ka para sa anak mo. Dahil balang araw huhusgahan ka nila kung naging mabuti kang tatay o walang kwentang nilalang."
"Hindi naman lahat ng gusto mo mabibigay ng mga magulang mo, kaya maging masaya ka kung ano ang naiaabot nila, dahil hindi mo alam kung ilang sakripisyo ang tinitiis nila maitaguyod ka lang."
"Marami ang batang walang ama, dahil maraming lalaki ang walang kwenta."
"Proud ako sa mga single mother, daig pa nila ang isang ama. Biruin mo sila ang ilaw at haligi ng anak nila."
"Wala naman talagang batayan ang pagiging mabuting ama. Wala nga ba? O wala lang talaga akong makita dahil ni minsan hindi ko naramdaman ang pagkakaroon ng isang ama."
"Pahalagahan mo ang tatay mo nang higit sa pagpapahalaga niya sa'yo. Gawin mo hangga't malakas pa siya at kaya pa niyang damhin ang yung pagpapahalaga."
"Kung isa kang ama at iniwan mo ang yung mag-ina, wag ka ng maglakas loob magpakita sa kanila. Parang awa mo na, isa kang walang kwentang tao at alam mo yun. Wag mong piliting marinig sa anak mo ang salitang naglalarawan sa sarili mo."
Malayang Pilipinas - Hugot at Patama
"Araw pala ng kalayaan ngayon, subalit patuloy ka paring nakakulong sa maling paniniwala, sa maling prinsipyo at sa maling tao".
"Kung gusto mo talaga ng kalayaan, pakawalan mo ang sarili mo sa kulungang ikaw ang may gawa".
"Malaya ang Pilipinas pero pilit itong kinukulong ng mga namamahala".
"Wag mong ikulong ang sarili mo sa sakit ng nakaraan at sa bangungot na iyong pinagdaanan, dahil wala ng mas masayang pakiramdam sa taong may kalayaan".
"Pinalaya na kita, pero hanggang ngayon nakakulong ka parin sa mga ala-ala ko".
"Higit sa lahat, malaya tayong maging malaya. Nasa atin nalang kung pipiliin nating magkulong sa nakaraan".
"Kung gusto mo talaga ng kalayaan, pakawalan mo ang sarili mo sa kulungang ikaw ang may gawa".
"Malaya ang Pilipinas pero pilit itong kinukulong ng mga namamahala".
"Wag mong ikulong ang sarili mo sa sakit ng nakaraan at sa bangungot na iyong pinagdaanan, dahil wala ng mas masayang pakiramdam sa taong may kalayaan".
"Pinalaya na kita, pero hanggang ngayon nakakulong ka parin sa mga ala-ala ko".
"Higit sa lahat, malaya tayong maging malaya. Nasa atin nalang kung pipiliin nating magkulong sa nakaraan".
Is KAPA a scam? Investment and its Finest
Isang malaking isyu ngayon dito sa Mindanao lalo na sa mga probinsya ng Davao ang pagpapahinto ng pangulo sa mga grupo ng easy money investment schemes. Nagkakagulo ang mga tao dahil sa mga 'investment schemes' na naglipana at bigla-biglang sumusulpot na nag-aalok ng malalaking porsyento sa perang ihuhulog makalipas ang ilang araw. Sino ba ang hindi mahuhumaling sa halagang makukuha mo makalipas ang isang buwan? Kung maghuhulog ka ng limang-libong piso, pagdating ng pay-out mo ay magiging dalawampung-libong piso na.
Marami sa mga tao ang nagbenta ng mga ari-arian para may mai-hulog sa KAPA(Kabus-Padatuon), RIGEN Marketing, ALMAMICO at iba pang kumpanya na nag-aalok din ng parehong interest sa mga myembro. Makalipas lang ang ilang buwan ng pamamayagpag at pag-ooperate nang mga nabanggit na grupo, maraming buhay na ang nabago. Maraming mahihihirap na ang nakabayad sa mga pinagkautangan at nabawi na nila ang mga bagay na naibenta nila. May mga nakakakain na nang mga masasarap na pagkaing dati'y mayayaman lang ang may karapatang kumain. May mga magulang ang nabibigyan na ng matitinong damit, gamit at kalusugan ang mga anak nila. May nakakapagpa-aral na sa kolehiyo at may ilang nakapagpatayo na ng negosyo.
'Welling victims' ang tawag sa mga myembro at gustong sumali sa mga investment. Nangangahulugang sugal ang kanilang pinapasukan at walang katiyakan kung hanggang kelan magiging matatag ang samahan. Hangga't may mag-iinvest, tuloy ang takbo ng negosyo. Kung pagbabasehan ang takbo ng kanilang makinarya, maihahalintulad ito sa 'Ponzi Scheme' o pyramiding.
Pero ayon naman kay Pastor. J. Apolinario na founder ng KAPA, legal at may pisikal na mga pag-aari ang kanyang 'ministry' kaya may kakahayan siyang magbigay ng hanggang 30% love gift sa kanyang mga members. Higit niyang sinasabi na ang layunin niya ay tumulong sa mga kapus-palad sa Mindanao at buong bansa, at totoo naman talagang malaki ang naitutulong niya sa mga mahihirap, sa ngayon.
Maraming beses at patuloy na binabato ng mga isyu, aligasyon at kwestyon sa kridibilidad ang KAPA ministry. Maging ang Securities and Exchange Commission ay minsan nang pinag-initan ang nasabing grupo subalit lusot parin si Pastor dahil nakarehistro sa SEC ang KAPA.
Pero nagpanik at nagkagulo ang lahat ng tao myembro man o hindi matapos iutos ni pangulong Duterte sa NBI na hulihin na lahat nang mga Investment Scheme na nag-ooperate. Marami ang natakot na baka hindi na nila mabawi ang perang naihulog o naiinvest sa KAPA et. al. Maging ang mga magulang ko sa probinsya ay sumali rin at may naihulog na 20, 000 kabuuhang halaga, at ang masama pa, hindi pa nakakatanggap ng interest ang aking ina dahil wala pang isang buwan mula nang siya'y naghulog at ito'y ipinapasara na ng gobyerno. Marami ang nagalit sa presidente dahil sa utos niyang pagpapahinto sa lahat ng investment. May ilang nagsisisi na dahil sa pagboto sa kanya noong nakaraang halalan. May ilang dismayado dahil sa pag-aakalang pumapanig si Duterte sa mahihirap, pero siya pa mismo ang nagpahinto sa mga nakakatulong. At may ilang namang pinag-initan ang isang Pastor na nakilalang nagmamay-ari sa buong mundo.
Sa disisyong ginawa ng pangulo na hindi idinaan sa tamang proseso o due process, ano ang magiging epekto nito sa buhay ng maraming tao dito sa Mindanao? Ano ang magiging aksyon niya sa mga nanggagalaiti sa galit na mga myembrong may perang naihulog sa investment? Nang sumibol ang mga investment groups, bumaba lahat ang money related crimes gaya ng holdap, pagnanakaw, snatching, karnap at wala ng masyadong nagbebenta ng shabu. Higit sa lahat marami ang guminhawa sa buhay.
Kung ipapasara ang KAPA, RIGEN at ibang grupo,
sana man lang bigyan muna ng NBI nang pagkakataon ang mga nabanggit na maibalik ang
pera ng kawawang mga myembro bago nila hulihin ang mga namumuno nito para hindi magkagulo at may magamit pa ang mga tao sa paghahanap-buhay. At kapag tuluyan ng nahinto ang lahat ng 'Investment Scheme', tiyak na ang pagbabalik ng mga bombay na nagpa-5'6. Tiyak na ang pagdami ulit ng krimen dahil sa balik na ulit sa pakikipagpatayan sa kahirapan ang mga tao. Dadami ang mahihirap na hindi naman natutulungan ng gobyerno sa tunay na sitwasyon (wag mo'kong sabihang 'magsikap ka at wag iasa lahat sa gobyerno). Obligasyon ng gobyerno ang pagtulong sa mahihirap, pero sa kasamaang palad tila ito pa ang nagpapahirap sa buhay ng ordinaryong pilipino. Paano ko nasabi? Napakahirap magtanim ng palay, napakamahal ng abono at midisina na pangpatay insekto. Pero bakit ang mura ng presyo ng palay? Ng copra? Ng mga gulay? Pero kapag binili mo na sa mga palengke at tindahan halos triple na ang presyo ng mantika at bigas? Naniniwala ka ba talagang walang magagawa ang gobyerno para makontrol ang presyo ng bilihan ng palay at copra? Ako naniniwalang hindi priority ng gobyerno ang mahihirap. Nakatuon lang ang atensyon nila sa mga interest na mapapakinabangan din nila.
Inuulit ko, hindi ako myembro nang kung ano mang investment na yan, pero nakita ko talagang may malaking naitulong sa buhay ng mahihirap ang mga nabanggit. Alam ko rin na may hangganan ang kanilang operasyon at babagsak din pagdating ng panahon. Pero sana hinayaan nalang sila, hinintay nalang sana ng gobyerno ang mismong pagbagsak nila, kung babagsak man. Sila ang nagpuno sa kakulangan ng gobyerno, sila ang nagpagaan sa bigat na dinadala ng maraming tao. Higit sa lahat may nabago sila sa nakakarami. Higit sa lahat hindi ako anti-Duterte. Goodluck nalang at God bless mahal kong Mindanao.
Bangungot Dulot ng Bully
Mainit na balita ngayon sa TV ang bullying o pang aaway ng studyante sa kapwa studyante sa loob man o labas ng paaralan. Noong nag-aaral pa'ko, hindi rin ako nakaligtas sa kadiliman ng 'bullying' na yan.
Grade 4 ako nang unang nakadanas ng pagmamalupit mula sa kapwa ko mag-aaral. Nagkainitan kami nung klasmate kong astigin dati, at dahil maliit ako, inabangan nya'ko sa labas at hinamon ng suntukan. At may kasamahan siyang handa ring mambugbog sakin. Ang dahilan kung bakit niya ako pinag-initan ay dahil inilista ko siyang 'noisy' sa blackboard. Hindi naman nila ako binugbog, hinawakan niya lang ako sa leeg at saktong sakal lang sa kwelyo sabay banta na kapag inulit ko pa ang pang-lilista sa kanya, tiyak raw na makakatikim na'ko sa kanya.
Hindi ako nagsumbong sa adviser ko, at dahil ka row ko yung nagbanta sa'kin, hindi ko na siya nililista sa 'noisy' kaya ang row namin ang pinakamaimgay dahil sa kolokoy na'yon. Pero kahit di ko na siya nililista, matinding bangungot talaga ang dala niya sa buhay ko, nawawalan ako ng gana kapag pumapasok siya, at nakakahinga naman ako paminsan-minsan kapag absent siya. Madalas na niya akong matahin at asarin kaya lalo ko siyang iniwasan nung mga panahong yun. Sa tindi ng inis ko sa kanya, ipinagdarasal ko dati na sana masagasaan siya o kaya mamatay na, dahil araw-araw akong namamatay dahil sa pagmumukha niya.
Mula noon hindi na ako nag-volunteer maging tagalista ng 'NOISY' sa ano mang section na kinabilangan ko. Hindi ko maarok kung bakit may mga gurong nagpapagawa dati nang ganoong task sa mga studyante niya e trabaho naman talaga niyang panatilihing maayos at tahimik ang klase. Napakaliit lang na bagay nung ginawa sa akin ng kolokoy kong kaklase dati, pero walang makakatimbang sa bigat ng loob at takot ko dahil sa ginawa niya. Lalo na't bata pa at wala man lang masabihan.
May kaklase din ako dati sa grade 5 na sinaksak ng ballpen ang isa ko pang kaklase. Ang dahilan ay asaran. Binigyan kasi ng alyas na hindi kaaya-ayang pakinggan nung isa kong klasmeyt si BJ at naging banyag na niya ito sa loob ng classroom namin. Nahinto lang ang pagtawag sa kanya ng alyas nang sinaksak niya sa likod gamit ang lapis ang pasimuno sa lahat ng kanyang kahihiyang dinaranas. Talagang bumaon ang lapis sa likod ng kaklase ko, at bumanaw ang dugo sa kanyang katawan. Bukod sa pinatawag sa guidance ang dalawa kong kaklase, wala akong matandaang may hakbang na ginawa ang prinsipal o mismong adviser namin para mapigilan ang ganoong pangyayari.
Hindi talaga magandang matawag ka sa pangit na pangalan, hindi katanggap-tanggap na ginawan ka ng alyas ng kung sino mang tao dahil lang sa itsura o kakulangan sa katawan mo.
May mga dating kaklase at kamag-aral akong bulag, bingi, bungi, pilay, duling, pungkol, pandak mataba at payat. Uo inaamin kong isa rin ako sa mga tumawag sa kanila gamit ang kakulangan o pisikal nilang anyo, pero hindi ko naman sila kinukutya gaya ng mga ginagawa sa kanila nang ibang bata. Kung may guro lang sanang nagturo sa henerasyon ko ukol sa pagrespito sa mga kapwa mag-aaral ko, sana natawag man lang sila sa magaganda nilang pangalan. Pero wala e, tanggap na ng mga guro ang alyas nang mga mag-aaral nila at wala man lang ginawa para mabago ang nakasanayan. At dahil nakasanayan na, kahit masakit, nasanay narin siguro sila 'taba', 'bungi' at 'duling' sa pagtawag sa kanila. Higit pa sa pangbu-bully yun, higit sa panglalait at higit sa panghuhusga. Wala ng mas masakit pa sa mahusgahan ka dahil lang sa iyong itsura.
Labing-limang taon na ang lumipas mula nang iwan ko ang paaralang elementarya. Sa lumipas na panahon, sana may nabago man lang. Uo ayos na ngayon dahil natututukan na natin ang isang problema ng mga mag-aaral, ang bullying. At may nakakarinig at nakakakita na sa bawat hinaing ng studyante. Hindi gaya nang dati na mababalot ka sa takot pag nahulog ka sa bully. Ayos naman, pero sana matawag na sa kanilang sariling pangalan ang may mga kapansanan at pisikal na kakulangan. Sana hindi na sila laitin at kutyain ng mga kapwa nila mag-aaral, at sana higit na pagpapahalaga at pag-aaruga na ang ibigay sa kanila ng mga guro para naman maramdaman nilang hindi sila iba sa iba.
Kumusta na kaya sila Henry, Amor at Boyet na kaklase ko sa elementarya? Sana maayos na sila ngayon at wala nang nanglalait sa kanila.
Kapos Aral
Sa pagtaas ng aking edad, binaon ko ang mga masakit na pangyayari noong nag-aaral pa'ko. Mga hindi ko malilimutang pasakit, at sa kabila ng lahat ay aking nalagpasan.
Pumasok ng walang baong pera at ulam. Minsan walang kain.
Pina-enroll ko ang sarili ko noong grade 4 hanggang sa 4th year high school ako.
Walang magulang o sino mang kamag-anak ang nagkusang nag-attend ng mga PTA meetings kaya ako nalang ang nakinig sa mga pinag-usapan ng mga magulang at guro.
Maraming beses akong hindi umattend ng aquintance party(induction party) sa labis na kagipitan. Hindi ko na alam, wala akong mahingan kahit konteng pera. Kahit may trabaho pa ang aking ama, hindi ako humihingi sa kanya. Makakarinig lang ako ng hindi magandang salita. At pakiramdam ko hindi niya ako pinapahalagahan noong kamusmusan ko.
Laging galit sa'kin ang mga guro ko dati. Madalas ko kasing pinagsasama ang mga notes ko sa mga notebooks. Wala eh, kulang ako ng notebooks at wala ring pambili. At di rin naman ako nagsusulat.
Madalas akong nakikipag-taguan sa mga gwarda noong elementary hanggang high school ako, pero madalas din nila akong maputulan ng buhok at pinagmumukhang tanga. Wala talaga, ang hirap hingan ng pera nang mga kamag-anak ko kaya laging gipit sa gupit.
Paulit-ulit ko lang sinusuot ang isang patalon ko, dalawang polo at sira-sirang sapatos. Nasanay na ako, at wala akong pakialam sa mga iniisip ng mga kaklase ko noon.
Nanglilimos lang ako ng papel sa mga kaklase at kaibigan ko pag may quiz o kaya activities na pinapasulat si ma'am. Pag wala talaga pinagtatyagaan kong gawing 1/4 ang isang pahina ng notebook ko.
Hirap na hirap din ako dati kung saan kukuha ng ipambibili sa mga projects at mga bagay na required ng mga teachers sa subject nila, kahit hindi gaanong mahalaga at wala masyadong kabuluhan ay mapipilitan ka paring bumili dahil 'required' nga at di ka mabibigyan ng grado pag wala kang naipasang project. Ang nakakainis pa sa ibang mga guro, ayaw nilang tumanggap ng pinaglumaang mga project na pwedeng-pwede pa namang magamit. Humiram ako ng activity booklet sa pinsan ko dahil kailangan naming bumili ng ganoon ding booklet. Walang problema ang booklet na hiniram ko, kumpleto pa ang mga pahina at pareho talaga sa binebenta ni ma'am. Pero bumili parin ako ng bago dahil may ibang pangalan na daw yung booklet na ipinasa ko. Bakit kaya ganun yung guro kong yun? Di ba siya nagpapahalaga ng mga bagay? O nilamon narin siya ng komersyalismo? Pilit kang pabibilhin ng gamot kahit wala ka namang sakit. Di ba niya naiisip na kaya ako humiram at gumawa ng paraan para makapasa ng 'booklet' niya ay dahil wala akong pambili? Ilang studyante pa kaya ang mapipilitang bumili ng projects para lang sa grado? At ilan kayang kagaya ko ang dadaaan pa sa kanilang mga kamay? na kapos na nga lalong pang pinapatay.
Di na ako nag-rerecess, tinitiis ko nalang ang pagkalam ng sikmura at nilalagukan nalang ng tubig sa gripo. Madalas nililibre ako ng mga kaklase ko pagdating sa tanghalian. Pinapakopya ko kasi sila, at return of investment ang libreng ulam sa tanghali.
Gumraduate ako ng elementarya ng walang man lang isang magulang ang dumalo. At wala man lang akong graduation picture kahit isa. Kodak pa kasi uso noon at wala pang selfie.
Maraming paghihirap ang dinanas ko sa pag-aaral. Sinubok ng matinding suliranin sa buhay dulot ng wasak na pamilya at kakapusan sa aruga. Wala akong pangarap na pinanghahawakan habang ako'y nag-aaral, parang gusto ko lang mag-aral dahil sa mga kaibigan kong pumapasok araw-araw at madalas magyaya saking sumabay papuntang paaralan. Mas nakaka-angat sila sa buhay, may maayos na gamit at mabango, pero sa mga panahong nagkasama kami ni minsan hindi ko sila narinig na hinusgahan ako o nilait man lang. Nadama ko sa kanila ang pagpapahalaga sa pag-aaral at ang panghihinayang sa tuwing liliban ako sa pagpasok.
Sa ngayon wala akong sinisisi sa pinagdaan ng kabataan ko, kahit ganoon ang nangyari, nagsumikap naman ako at naitakwil ang masamang ehemplong pilit pumapasok sa utak ko.
Wala akong sama ng loob sa ama ko o sa mga kamag-anak ko. Lumipas na ang panahon at hindi na dapat mabuhay sa nakaraan. Kung ano ang idinulot sa'tin ngayon ng nakaraan, tanggapin natin ng buong puso. Hindi na natin maibabalik ang oras para baguhin ang lumipas.
Naaawa ako sa sarili ko. Sa kabila ng pinagdaan ko noong kabataan ko, hinubog ako nito sa kung ano ako ngayon. Kung makikita ko lang ngayon ang batang ako noon, yayakapin ko nalang siya sa sobrang pagkaawa.
Sa Kamay ng mga Guro
Kahit kapos ako noon sa pagpapahalaga ng mga magulang ko, nagsumikap parin akong mag-aral kahit papano. Nakikitira lang ako sa mga tyuhin at tyahin ko, at wala rin silang pakialam sa paghihirap na dinaranas ko nang mga panahong pinipilit kong humakbang papuntang paaralan. Hindi nga ako makapaniwala, nakapagtapos ako ng hayskol ng hindi ko namalayan. Typical lang akong studyante noong nag-aaral pa'ko, hindi mautak pero may konteng dunong kung paano maigagapang ang isang araw ng pakikipagdigma sa mga guro.
Wala akong naibagsak na subject simula noong grade 3. Pero tatlong ulit ata ako nag grade 1 at dalawang beses sa grade 2. Noong mga panahon kasing yon pinagapasa-pasahan ako ng aking mga magulang, kamag-anak, lolo at lola, tyuhin at tita.
Pero sa kabila ng lahat naaalala ko pa ang ilan sa mga dahilan kung bakit at paano ako pumasa sa mga asignatura at mga guro na ahhmmm di ko masyadong gusto at sa mga hinahangaan ko.
Yung classroom namin sa grade 4 dinaig pa ata ang kintab at dulas ng MOA arena. Bago kasi mag umpisang magturo ang adviser namin palagi niyang pinapagawa ang banal na ritwal sa loob ng room namin. Kailangan naming maglampaso at maglagay ng floorwax bawat umaga. Para kaming nagwawarm-up bago makipaglaban sa kanya. Pagpapawisan ka talaga ng maraming pawis dahil nakatingin sya sa bawat isa samin. Pagkatapos ng taong pagsasama namin ni m'am sa awa ng floorwax at bunot pasado ako sa lahat ng asignatura niya. Bago niya penirmahan ang clearance ko may remembrance pa s'yang hiningi sa'min ng mga kaibigang kaklase ko. Iniwan namin ang mahal naming silid aralan ng may dangal. Malinis at napakakintab ng sahig, maayos ang "divan" na lalagyan ng walis bunot at dushpan (minsan mga nilukot na papel at mga libro).
Ayaw kong magkwento tungkol sa grade 5. Wala akong masyadong maalala o sadyang mabait lang ang mga guro ko noon. Basta tumae ako sa loob ng room, at sa sobrang sawing palad hindi ko namalayang walang tagas ang gripo. Kaya yun, tinapon ko nalang yung brief ko sa likod ng CR namin, yun na kasi ginawa kong tissue paper. Humingi nalang ako ng tawad sa mini-garden ng kabilang section. Doon kasi bumagsang yung tinapon kung damit na may ahhm tae.
Hanip ang mga teachers ko sa T. L. E. noong grade 6 ako. Yung sa technology na guro di ko na matandaan ang pangalan, di rin kasi sya nagtuturo at madalas sarado ang room niya na puno ng iba't ibang bagay. Mga bakal, kahoy, mga gamit karpentero at nakataling manok panabong. Hanip si sir. Kaya nang magpaperma ako ng clearance sa kanya, hindi nya ko kilala kaya pinabili nalang niya ako ng kalahating kilo ng pako para mapermahan na ang clearance ko. Wala ako kagana-ganang pumasok sa isa pang guro na nagtuturo naman ng livelihood. Bukod kasi sa palagi syang naniningil ng bayad para sa mga "materials" di rin ako interesado sa pagko-crostitch at pagawa ng yema. Apat kami nang mga kaklase kong lalaki ang hindi pumapasok sa kanyang subject kaya naisipan ni teacher na pabilihin nalang kami ng sinulid pang burda. Solve.
Yung grade 6 teacher ko sa Science, nagagandahan ako sa kanya. At dahil alas dos ng hapon ang klase niya, di ko maiwasang maantok lalo na sa tuwing tinuturo nya ang mga chemical reactions at periodic table. Isang araw hindi ko talaga nalabanan ang antok at napayuko ako sa sulatan ng upuan ko. Sa isang iglap nagmukha akong palitaw sa puti ng buhok dulot ng chalk at hindi ko man lang nasangga ang flying eraser na ibinato ni mam sa akin. Pero nainlove parin ako sa kanya dahil pagkatapos ng pambabato niya, pakumbaba naman s'yang humingi ng tawad sa'kin at nagpaliwanag sa buong klase kung gaano kahalaga ang itinuturo niya. Pagdating nang permahan ng clearance wala siyang pinagawang project o pinabiling gamit saamin ng mga kaklase ko. Nagbigay lang si teacher ng bonus points sa may mga kumpletong notes na itinuro niya. Sana lahat ng guro katulad niya. Hindi corrupt.
Wala akong kwento masyado sa Math, gusto ko naman ang mga lessons ng mga guro ko dati pero nakakasawa na talaga. Yung tipong paulit-ulit nalang mula sa paghahanap ng halaga ni X at kung bakit panakip butas lang si Y. Siguro kung tinulungan lang ng mga guro sa Mathematics ang mga studyante nila tungkol sa kung gaano kahalaga ang buhay ng bawat mag-aaral at kung paano malagpasan ang problema sa totoong buhay, siguro may katuturan pa ang pinagtuturo nila. Bakit pilit nilang pinapasagot ang problema ni X? Ako nga hanggang ngayon di parin nahahanap ang tunay na halaga. Bukod sa terror na subject ang Math, bakit lagi ring terror ang mga guro na nagtuturo nito? Dahil ba sa dami ng problem solving? Wala akong problema sa Math at sa mga guro na nagtuturo nito, hanga pa nga ako sa kanila dahil bukod sa personal nilang problema, tinutulungan din nila si X na makita ang kanyang halaga. Sa dami ng pinag-aralan ko sa Mathematics noon, ang Addition, Subtraction, Multiplication at Division lang ang may katuturan sa buhay ko ngayon.
May natutunan naman ako sa Araling Panlipunan, at marami. Isa sa mga paborito kong assignatura ang Aral.Pan. Bukod sa magagaling na guro ay interesante ring makinig sa kwento ng ating kasaysayan at ng daigdig. Nalaman ko kung paano namuhay ang mga sinaunang tao at kung sino ang naka-diskubre ng Pilipinas. Naalala ko dati yung report ko na binigay sakin ni teacher tungkol sa 'Ilog Nile'. Sinunog ko ang kilay ko sa paggawa ng reports na yun, todo basa ako ng aklat at sulat ng 'bitaymax' (yung manila paper na isasabit sa blackboard sa t'wing reporting, bitaymax kasi tawag namin dati). Pero na nadismaya ako sa mga kaklase ko habang ako'y nag-uulat tungkol sa linsyak na 'ilog nile',. Bukod ata kay teacher at sa mangilan-ngilang matalino kong klasmeyt na nakikinig, yung iba namang kaklase ko ay hindi interesado at nakikita ko sa kanilang mga mata ang pagka-bagot. Hinayaan ko nalang sila, hindi rin naman kasi tamang kunin pa ang pansin ng isang taong hindi naman interesado sa'yo. Saka hindi rin talaga ako ka intere-interesanting tao.
Yung teacher ko sa Araling Panlipunan noong 2nd year high school ako ang pinakamalupit. Lahat ng mga kaibigan kong naging teacher din s'ya ay hindi malilimutan ang kamandag ng kanyang 'Mapa'. Oo, Philippine Map ang unang-una niyang siningil sa'min sa unang araw ng pasukan. At plus points pag siya ang bibili ng mapa, magbabayad nalang kami sa kanya ng trenta pesos. Ayos si m'am, akala namin. Makalipas ang ilang araw hanggang sa buwan ng hindi namamalayan, una niyang binanggit na inorder pa niya sa Maynila ang mga Mapa namin at sa susunod na linggo pa darating. Sabik na ang mga kaklase ko dahil itinuturo na niya ang mga rehiyon sa Pilipinas. Nang dumating ang linggong sinabi ni m'am, ipinag-umanhin na naman niya na hindi makakarating ang mga mapa dahil ito'y na stranded daw sa Cebu. Hindi ko na namalayan, natapos na ang pasukan pero hindi parin dumating ang mga banal na mapang binili ni mam. Siguro naglakbay sa Pilipinas ang mga mapa at gumamit sila ng mapa para hindi mawala.
Ang guro ko sa English noong 2nd year ako ang pinagka-interesan ko ng todo. Pinabili niya kaming lahat ng English journal sa unang araw ng kanyang pagtuturo. Isang linggo pa ata ang nakalipas bago ako nakabili dahil wala akong pera. Kakaiba si mam dahil araw-araw siyang may nilalako sa'min, yema, sampalok candy, ice candy, mangga na may suka, at minsan puto at tinapay na may palaman. Halos kalahating oras din ang nauubos sa paglalako at paglilista ng mga bumibili sa paninda niya. May bonus points kasi kapag bumibili, at dagdag yun sa grado(parang reward points sa grocery, kulang nalang ng card) . May dalawang aklat ang English subject namin dati, at nang ibalik ko ang mga ito sa guro namin matapos ang pasukan halos wala man lang galos at walang gaanong marka na ginamit ang mga ito. Binase lang kasi ni mam ang lesson niya buong tao sa journal na pinabili nya sa'min.
May isa rin akong Filipino subject na ako ang secretary,. Pahamak kasi yung dati kong kaibigan, naisipan ba naman niyang i-nominate ako bilang secretary dahil hindi ako nanalo sa pagka Class president at Vice na parehong kagagawan ng mga loko kong klasmeyt. Akala siguro nila pag nanalo akong presidente sa room mabibigyan ko sila ng gabinete sa ilalim ng pamahalaan ko. Kaya ayon, di nila ako tinantanang e-nominate hanggang sa ako nga ang nanalong secretary. Linsyak, alam ko dati babae lang ang pwedeng maging secretary at taga-sulat sa board kapag tamad si mam magturo. Malas talaga dahil mas madalas pang may bisita sa room na nagbebenta ng mga Ibong Adarna komiks, coloring books at mga buto ng halaman kesa sa magturo ang adviser namin. Kaya ako lagi ang isinabak sa harap ng board pag nagpapasulat siya. Pangako niya sa'kin dati atomatik akong makakatanggap ng ribbon mula sa kanya sa pagtatapos namin sa grade 6. Pero sa bandang huli maluha-luha akong tumanggap ng dalawang ribbons sa kanya at may nakasulat na 'parent' at 'graduate', at napaluha na talaga ako nang makita kong parehas din kami ng ribbons na natanggap nong mga loko kong klasmeyt na nagpahirap sakin sa buong taon namin sa Filipino subject.
Filipino teacher din ang adviser ko noong 4th year high school ako. Mabait si mam sa amin at palagi niyang tinatanong kung kumusta ang mga guro namin sa ibang subject o kung my problema kami sa aming mga aralin. Sa mga panahong yun nagkaroon na ako ng emotional breakdown sa di na mabilang na problema sa pamilya, pinansyal at personal. Nawala ang katatagan ko sa pag-aaral. Isa sana ako sa hinahangaang studyante ng teacher ko sa drafting pero madalas na ang pagliban ko sa kanyang subject. Pumapasok nalang ako para masilayan ang babaeng nagbibigay ng konteng saya sa buhay ko. Natuto narin akong tumalon sa pader ng paaralan namin para lumabas at makipag-inuman sa mga maling barkadang aking sinamahan. Napansin na lahat ng mga guro ang laki nang ipinagbago ko. Kaya nang makita ako ni mam sa palengke na nagbibinta ng saging, masinsinan niya akong kinausap. Tinanong niya ang problema ko, nadama ko sa kanya ang panghihinayang kung hindi ako makakapagtapos. Inalalayan ako ni mam para lang pumasok ulit, ipinangako niyang kakausapin ang iba ko pang guro na tanggapin ulit ako sa klase, at ginawa nga niya. Masaya ang mga kaibigan ko at mga klasmeyt nang makita nila ulit akong nakaupo sa upuan ko. Sinalubong ako nang yakap at apir sabay bati ng mga tunay kong kaibigan. Sa awa ng diyos at sa tulong ni mam nakahabol ulit ako sa klase, unti-unting bumalik ang sigla ko sa mga lessons lalo na sa Filipino at sa drafting ellective kung saan kaklase ko ang crush kong taga ibang section.
Napaluha ang buong section namin nang tuluyan na kaming magpaalam kay mam sa araw mismo ng graduation day namin. Hindi na lesson ang sinasabi niya kundi ang mga salitang pamamaalam at pagpapatatag nang aming kalooban ukol sa panibagong buhay na aming haharapin sa labas ng paaralan.
Sa lahat ng mga gurong napabilangan ko, Si mam lang talaga ang nagpakita ng pagpapahalaga sa akin at sa mga mag-aaral niya. Nagampanan niya ang kasabihang 'guro ang pangalawang magulang'. May mga guro kasing magaling lang magturo, magaling magpaikot ng studyante, magaling magkwento, magaling magpagawa ng projects. Pero walang pakialam sa tunay na kalagayan ng kanyang mga mag-aaral. Di nila alintana ang suliranin ng mga mag-aaral nila, kung may malalim bang problema o kung may dinadamdam o may pinagdaraanan. Sa bandang huli kasalanan pa ng studyante ko di siya natuto.
Di ko na ulit nakita si mam mula noong nakuha ko ang report card ko sa kanya. Pero tiyak guro parin siya hanggang ngayon at marami pang mga mag-aaral ang maiimpluwensyahan ng kanyang kabutihan. Sana mapahalagahan din siya nang mga naging mag-aaral niya.
Ang mga kwentong narito ay mga alaala noong ako'y nag-aaral pa, mga komento at evaluations ng mga naging guro ko noon, at kung ano na ang naiambag nila sa buhay ko ngayon. Mga guro kong magiting at hindi ko malilimutan. Kung mababasa nila ang kwento ko tungkol sa kanila, magagalit kaya sila? Ibabagsak kaya nila ako? lalo na't maraming mali sa grammar ko?
Rinnggggg!!! Okay class dismiss.
#hugot
Ang dami-raming tao sa mundo, pero pinipilit parin nating walang nagmamahal sa atin, kaya nga siguro pati sarili natin hindi na tayo kayang ibigin.
Hugot Pa More
Akala natin malakas tayo at kayang mag isa, pero ang totoo Unan at Kumot lang ang nakaka-alam kung gaano tayo kahina.
Subscribe to:
Posts (Atom)